RESOURCES
New to Dialysis
For patients starting hemodialysis, and for the family members helping them.
What is hemodialysis?
Kailangan ang dialysis kapag hindi na gumagana ang ating kidneys. Para itong automated na kidney na tumutulong maglinis ng toxins at mag-alis ng sobrang tubig sa ating katawan.
How do I start at STC?
Kailangan ninyo ng referral ng doktor. Tumawag sa (0932) 700-4252, o magpadala ng inquiry sa aming Contact page. Ipapaliwanag ng aming staff ang mga susunod na hakbang.
How often will I come to the clinic?
Karaniwan, 2 o 3 beses kada linggo, ayon sa bilin ng inyong nephrologist. Puwedeng magbago ang schedule ninyo habang tumatagal.
How long does a session take?
Karaniwang tumatagal ng apat na oras ang mismong dialysis session. Maaari pa itong madagdagan ng hanggang isang oras para sa paghahanda bago at pagkatapos ng procedure.
Can I eat or drink during treatment?
Kaunting tubig lamang (hanggang 250 mL) at magagaan na meryenda (light snacks) ang pinapayagan habang sumasailalim sa treatment.
Can someone come with me?
Oo. Puwede kayong magsama ng isang kasama. Puwede siyang maghintay sa dialysis area o sa reception area.
What should I bring?
Magdala ng kumot sa bawat session. Para sa unang session, nasa aming What to Bring page ang buong checklist.
How will I pay?
Kung kwalipikado kayong PhilHealth member, wala kayong babayaran sa mga covered session. Nasa aming PhilHealth Information page kung ano ang sakop.
